Ito ang salarin. Ito ang may kasalanan bat matagal akong naabsent. Ito kasi ang pinagkaka-abalahan ko ngayon e. Gumawa kasi kami ng liga ng mga pinsan ko. Gawa ka ng team mo getting from players from NBA teams and cocompare mga individual stats nila per game day and itototal, kung sino ang masmataas for a week, e yun ang panalo for that week. So pagalingan nalang yan sa pagpili ng players.
Another thing a nagagawa nito e mas naappreciate ko ang ibang aspects ng basketball... hindi lang ang shooting. Other stats are as vital. Steals, blocks, fg%, ft% , assist, and turnovers. Dahil sa fantasy basketball may mga nakilala akong mga talagang nagcocontribute sa pagkapanalo ng team nila kesa dun sa shoot lang ng shoot e wala na ibang ginagawa. Case in point. Stephon Marbury. Matunog na pangalan pero kung sa fantasy basketball latak lang siya. Kasi wala naman ginagawa kundi magshoot. Mas maganda kunin mo nalang si Monta Ellis.. sino? Kung di ka nba fanatic di ko yan makikilala... pero mas efficient yan kesa kay stephon. Ask any fantasy team owner.
Tsaka di ko rin makikilala tong mga to kundi sa Nba fantasy...
John Salmons, Anthony Parker, Beno Uldrih, Juan Carlos Navarro, Andrew Bynum (injured siya for 2 months sayang halimaw pa naman sa stats), Chris Paul (#1 point guard for me).
At nabawasan bilib ko sa mga to...
Daddy Shaq (ft% and TOs), Stephon Marbury (FG% and TOs), Zach Randolph, Eddy Curry.
Yan nalang muna. Chechekin ko pa team ko e. hahaha.
No comments:
Post a Comment