Friday, November 30, 2007

Tanong na Walang Kwenta #2

May nakakasabay akong magpagas o nagpapadiesel na taxi or jeep pero may nakasabay na ba kayong nagpapagas na BUS? Kasi nakita ko dun sa discount nila di ba nakalagay PUJ/PUB discount pero parang wala naman akong nakikitang BUS. Pero buti narin kasi ang tagal siguro ng waiting pag sila nagpaGas.

Monday, November 26, 2007

Muni-muni #1

Naisip ko lang ngayon... Kung bumabiyahe ka out of town pano mo malalaman kung nasa province ka na at lumalayo ka na sa Metro Manila? Sagot: Pag yung mga billboards na nadadaanan mo e hindi na tao ang bida kundi Baboy at Manok na.

Monday, November 19, 2007

Oh Yes OPM!

Well last night I spent dowloading OPM songs for my secretary. Papagawa kasi sana siya sa mga gumagawa niyan sa mga mall e. Sabi ko sayang lang pera niya kaya ako nalang gagawa ng audio cd niya for her. Basta bigyan lang niya ako ng mga cd. Well akala ko madali lang kasi madami naman akong songs e. Pero ibang-iba pala ang song preference niya sa akin. Ang daming kanta di ko man lang alam kung ano to. Hehehe. Had to download all the songs she requested because they were definitely NOT in my collection. Para masaya lagay ko dito ang ARTIST and SONG TITLE. Sige nga sabihin niyo sa akin kung alam niyo mga to:

1.JR Siaboc - May tama rin ako

2.Ceushe - Borrowed Time

3.Ronnie Liang -Ngiti

4. Eric Santos - I'll Never Know

5. Six Part Invention - Umaasa Lang Sayo

6. Silent Sanctuary - Tuyo ng Damdamin

7.Frio - Hiling

8. Shamrock - Hold On

9. Callalily - Pasan

And ang best of them all...

10.Gagong Rapper feat. Kyla - Kabet

Anak ng featuring pa talaga si Kyla asteg! Ay may isa pa pala...

*Quadro - Sigaw ng Pinagmulan.

Joke lang. Hehehehe. Baka next week yan na ang request niya!

Friday, November 09, 2007

TANONG NA WALANG KWENTA #1

Well nanonood lang ako ng espn and World Series of Poker yung palabas. Tapos meron isang player dun bulag tapos meron lang siyang pakner na nagsasabi sa kanya kung ano yung lumalabs na community cards. Tapos towards the end of the show e natanggal yung bulag. Tapos narinig ko sabi ng announcer... "blah blah blah he is legally blind... lets give him a round of applause." palakpakan mga tao. tapos bigla ko lang naisip at natanong sa sarili ko...

LEGALLY BLIND? Baket meron bang ILLEGALLY BLIND? Bat di nalang hes blind? Tapos naisip ko baka nga meron illegally blind. Yung mga nagbubulagbulagan na nanglilimos sa kalsada. Na kahit bulag e alam na alam kung nassan yunng kotse mo at ang malupit alam na alam din nila kung saan yung bintana.. and the most amazing of all, alam nila kung may tao sa likod ng kotse! Baka lang a.