Tuesday, October 16, 2007

Saw on the News

Saw on the news na ang mga producers ng Desparate Housewives are being sued by a group of Filipinos for $500 million for a Racial slur on the show. Im sure everyone knows about this, its all over the news these past few days. Kasama pa si Teri Hatcher sa mga nademanda.

Naisip ko wow laking pagkakamali ang nagawa ng show na yun. Nakahanap ng mga palaban. Hehehe. Pero ito talaga ng bother sa akin e. Baket kaya for a racial slur e madedemanda si Teri Hatcher at mga producers now show pero dito sa atin sa Pilipinas ang WOWOWEE nakapatay ng ang dami daming tao sa show dahil dun sa ULTRA Stampede e kahit na 500 petot or demenda man lang e wala pa hanggang ngayon?

See the diff? Dun walang namatay, dito sa atin halos 30 ang namatay. Dun may balita na kaagad ng demenda pero dito sa atin parang... Uy sorry napatay namin kayo pasensya nalang a di naman namin sinasadya e. Sad sad tale. Only in the Philippines

Wednesday, October 10, 2007

The Commute Adventure

Last Tue e nagbus ako pauwi galing ng province. Pero bongabon-cabanatuan e dinala ko naman ang kotse ko kasi papagawa ko din siya sa service center. Naka110k na kasi tinakbo. Hehehe. Anyway, Cabanatuan-Pasay ang sinakyan ko na bus. Five Star ang tatak. Ok naman malamig ang aircon at nung pagsakay ko hindi naman masyadong puno so sa 2 seat na magkatabi ako lang nakaupo. Tapos dumating yung kungduktor tinanong ako kung saan ako bababa. Naisip ko dahil pasay naman ang sinakyan ko dadaan naman to ng oritigas/greenhills. Sabi ko nung una megamall... e medyo nalito ako e. Galing nga pala ang bus na ito sa edsa from NLEX so impossible naman akong pumuntang megamall kasi other side of EDSA nga naman pala yun. Leche, di kasi ako sanay magcommute at di pa ako magaling tumanda kaagad ng directions. Sabi ko nalang e Connecticut. So siningil niya ako P162 pesos. Not bad. Anyway, mga 30 mins of the ride dami sumasakay so dahan dahan napuno yung bus. Tapos laging may tatabi sa akin pero after 5 mins e aalis. Inisip ko tuloy may B.O. ba ako? Bat sila umaalis? Pero naisip ko blessing din pala ang may B.O. kung meron nga ako kasi hindi ako masisikipan. Tapos may mga sumasakay din na nagbebenta ng mga chibog. Like chicharon, mane, and the like. Ok pala. Hindi ka magugutom sa bus. Inisip ko nga e sa susunod pag ako naghirap ilalako ko sa loob ng bus e LOAD sa cellphone. Kasi ang daming nagtetxt sa biyahe, malay natin baka paubos na load nila. Tsaka ako siguro ang muunang vendor ng load so madami akong magigins suki kung nagkataon. DVD kaya mabenta din? Hehehe. Anyway, bumili din ako ng chibog sa mga vendors na ito. Ayos nakakain pa. So ayun biyahe nga... bulacan area e napuno na talaga yun bus. May manong tumabi sa akin. Matibay ang ilong ng pucha, NAGSTAY! Ayun, sumikip tuloy upuan ko at sumakit ang pwet ko. Ang tigas ng seat e kahit foam siya. Tapos nung EDSA na kami nagbarker na ang kunduktor.... SM!...LRT...CUBAO.. SANTOLAN ayan ako na next na yan e Connecticut na. So by this time lumipat na naman ang katabi ko...di na rin siguro nakatiis. So dun na ako umupo sa seat near the center aisle for the meantime malapit na kasi ako bumaba e. Ayun naman pala ang lamig naman pala ng aircon sa seat katabi ko kaya sila umaalis...(atleast nalaman ko walang akong BO) si manong pala hindi ilong ang matigas. BALAT. So tumayo na ako lumapit sa harap ng bus. Nung malapit na sa CONNECTICUT e tumabi na ako sa konduktor. Sabi niya "MEGAMALL ka di ba?" Sabi ko, "Manong hindi connecticut ako"...(habang mabilis na lumagpas yung bus sa connecticut). Sabi niya "a ganon?" ba sabay senyas sa driver na bus... "dito na daw siya" sabay naman kabig ng driver paright. Shet kaya naman pala swerving ang mga bus sa EDSA e. Ayun bumaba na ako ng konting lagpas sa connecticut. Tapos ang adventure.

Thursday, October 04, 2007

Please Comment on HER blog

Blog. Please put your sentiments there para malaman niya kung tama o mali siya.